ESKAPOLANDIA

Maligayang pagdating, aking kaibigan!
Hayaang magkaroon ng liwanag na magpapakita sa akin ng hubad na katawan nina Adan at Eba.

Ako ang saksi sa pagyayakap ng kanilang mga isipan sa isang binuong kasarinlan kasama ang ahas na nagpakain ng kanyang kasinungalingan. Sila ngayon ang mga hunghang na nakasuot ng mga dahong malapit nang matuyo sa katagalan ng kanilang pagtatago sa nakasisilaw na liwanag. Dito sila magsasama, mangangarap, magtatalik. Dito magtatanim ng panibagong puno si Adan na patuloy na kukupkop sa kanila palayo sa katotohanan. Dito mahihirapan si Eba sa panganganak sa akin, sa iyo at sa kanila. Dito na ang tahanan ng sanlibutan.

Tatanda tayo sa nakabubulag na kadiliman. Lalakas tayo sa pagtakbo sa nakaraan. Ngunit, patuloy tayo na manghihina sa kasinungalingan na pinapakain sa atin ng ahas na kalaro na ng ating mga kamay at isipan. Ito na ang magiging simula ng pagtatalo ng magkakadugo; mga magkakadugong noon lamang ay kapit-kamay na nagtatago sa sinag ng araw na mula sa mapanuring mata ng Gumawa. Papatayin na ng mga Kain na nananahan sa ating mga singit at libag ang mga Abel na katabi niya sa paghimlay. Mamamatay rin ako, ikaw at sila.

Ngunit bago humantong ang lahat sa panibagong pagtatago sa mga panibagong kalaban na magdudulot ng panibagong kamatayan ng salinlahi ng mga mapanlinlang at mga nagpapalinlang, hayaang habiin ko ang isang mundong matatawag kong akin upang kahit sa kaunting bahagi ng memorya ng dating hardin ng Eden ay mailagak ko ang sariling tatak ng aking pagkatao. Ito ang isang mundong ako ang gumawa ng araw at buwan, bundok at karagatan, hayop at halaman; kung saan hindi ko na kailangan pang muling magtago sa lilim ng puno ni tatay Adan na diniligan ng dugo ni nanay Eba; kung saan maaari kong kainin ang kahit anong prutas at kaibiganin ang lahat ng ahas at mga nagpapaka-ahas; kung saan ako ang diyos at wala nang mas hihigit pa sa akin.

Ito na ang katotohanang nakagisnan kong timplahin at kainin at laruin sa binubusog na tiyan sa ilalim ng sarili kong sinag ng araw. Ito ang aking eskapo. Akin na ang mundo!